Ayon kay Sen. Sonny Angara, maaaring ito na ang pinakamalaki at pinakamagandang iaanunsiyo ng pangulo sa kanyang ikalawang SONA.
Sinabi ni Angara na magbibigay ng libreng edukasyon sa kolehiyo ang Universal Access to Quality Tertiary Education bill, na una nang inaprubahan at niratipikahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Sakaling mapirmahan na ang panukalang batas, kinakailangan lang na mag-enroll ang mga indigent tertiary students sa state at local universities and colleges, para ma-avail ang libreng college education.
Samantala, maghahain din ng panibagong panukalang batas si Angara sa susunod na sesyon ng Kongreso na magbibigay naman sa mga estudyante ng year round 20 percent discount sa pamasahe.
Ayon kay Angara, kabilang sa nasabing Student Fare Discount bill ang pamasahe sa tren, eroplano, at barko.