Free college education law, posibleng pirmahan ni Duterte bago ang kanyang ikalawang SONA

By Mariel Cruz June 25, 2017 - 05:45 PM

Posibleng pirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang free college education bill bago o sa mismong araw ng kanyang ikalawang State of the Nationa Address (SONA) sa July.

Ayon kay Sen. Sonny Angara, maaaring ito na ang pinakamalaki at pinakamagandang iaanunsiyo ng pangulo sa kanyang ikalawang SONA.

Sinabi ni Angara na magbibigay ng libreng edukasyon sa kolehiyo ang Universal Access to Quality Tertiary Education bill, na una nang inaprubahan at niratipikahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Sakaling mapirmahan na ang panukalang batas, kinakailangan lang na mag-enroll ang mga indigent tertiary students sa state at local universities and colleges, para ma-avail ang libreng college education.

Samantala, maghahain din ng panibagong panukalang batas si Angara sa susunod na sesyon ng Kongreso na magbibigay naman sa mga estudyante ng year round 20 percent discount sa pamasahe.

Ayon kay Angara, kabilang sa nasabing Student Fare Discount bill ang pamasahe sa tren, eroplano, at barko.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.