Pacquiao, nangakong iuuwi ang world champion title mula Australia

By Mariel Cruz June 25, 2017 - 05:44 PM

Nanindigan si Manny Pacquiao na hindi siya uuwing talunan sa nakatakdang paghaharap nila ng Australian boxer na si Jeff Horn.

Sa kanyang pagdating sa Brisbane International Airport, sinabi ni Pacman na babalik siya sa Pilipinas bilang isang world champion.

Sa tagal na aniya niya sa mundo ng boxing, ngayon lang siya nakaramdam ng kakaibang motivation sa isang laban.

Masaya din aniya ang kanyang team sa naging resulta ng kanyang paghahanda para sa nasabing laban.

Sinabi din ni Pacman na gagamitin niya ang laban na ito para patunayan na malakas pa rin siya sa edad na 38, at kaya pa niyang pagsabayin ang pagboboksing at pagiging full-time senator ng Pilipinas.

Dumating si Pacman at ang kanyang team sa Australia, gabi ng Sabado.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.