Magnitude 4.7 na lindol, tumama sa Ilocos Sur

Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang Ilocos Sur, at kalapit na lugar, umaga ng Linggo.

Ayon sa Phivolcs, ang epicenter ng lindol ay namataan sa 51 kilometers southwest ng Santa Catalina, Ilocos Sur.

May lalim ang lindol na 29 kilometers at tectonic ang origin nito.

Dahil sa pagyanig, naramdaman ang Intensity II sa Vigan City, habang Intensity III sa Sinait, Ilocos Sur at Intensity I sa Pasuquin, Ilocos Norte.

Pero sinabi ng Phivolcs na wala naman inaasahang pinsala o aftershocks na idudulot ang nasabing lindol.

Read more...