Pacquiao, dumating na sa Australia para sa laban kontra Jeff Horn

By Mariel Cruz June 25, 2017 - 08:51 AM

INQUIRER PHOTO

Nasa Australia na si Pambansang Kamao Manny Pacquiao, at naghahanda na para sa nakatakdang laban kontra kay Jeff Horn.

Lumapag ang sinakyang A330 chartered plane ni Pacquiao sa Brisbane International Airport gabi ng Sabado.

Kasamang tumulak ng reigning WBO welterweight titleholder sa Australia ang kanyang trainer na si Freddie Roach, conditioning coach na si Justin Fortune, sparring partner na si George Kambosos Jr., at iba pang miyembro ng Team Pacquiao.

Sinabi ng tagapagsalita ni Pacman na aabot sa 160 ang kabuuang miyembro ng entourage ng Pambansang Kamao.

Inaasahang dadalo sa isang misa si Pacquiao ngayong araw, magkakaroon ng light training session sa Brisbane.

Samantala, sa isang panayam ay pinabulaanan ni Pacman ang mga ulat mula sa Pilipinas na hindi niya sineseryosa ang kanyang pag-eensayo.

Nagkataon lamang aniya na nang bumisita ang ilan sa mga kaibigan niya sa kanilang training camp, ay wala pa silang ginagawa noong mga oras na iyon.

Sa darating na July 2 ang paghaharap nina Pacquioa at Horn.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.