Opensiba ng militar laban sa Maute, pansamantalang ititigil dahil sa Eid’l Fitr

By Justinne Punsalang June 25, 2017 - 02:09 AM

Ititigil ng walong oras ang opensiba ng militar laban sa teroristang Maute.

Mula 6 AM hanggang 2 PM ngayong araw ay sandaling ititigil ng gobyerno ang putukan upang irespeto ang Eid’l Fitr para sa Muslim community.

Ayon kay Brig. Gen. Restituto Padilla, ang “humanitarian pause” ay tatanggalin kung manganganib ang sitwasyon ng mga sibilyan o mga sundalo.

Ayon naman kay Zia Alonto Adiong, tagapagsalita ng Marawi Crisis Management Committee, mayroon pang nasa 300 sibilyan ang nananatiling trapped sa Marawi.

Idineklarang national holiday sa Lunes, June 26 bilang selebrasyon ng Eid’l Fitr o ang katapusan ng Ramadan.

 

TAGS: Eid'l Fitr, humanitarian pause, Maute, Restituto Padilla, Eid'l Fitr, humanitarian pause, Maute, Restituto Padilla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.