Halaga ng naipadalang tulong ng DSWD sa Marawi City, aabot sa mahigit 100 milyong piso
Umaabot na sa kabuuang 118,101,994 milyong pisong halaga ng food at non food items ang naipadala na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga biktima ng Marawi clash.
Sa inilabas na datos ng DSWD, nasa mahigit 105 milyong pisong pondo ang naibigay na nila sa kanilang responding field offices at response center.
Samantala, as of june 24, umakyat na 79,293 nang pamilya o 382, 985 na indibidwal ang internally displaced families.
Sa nasabing bilang, mahigit tatlong libong pamilya o nasa labinlimang libong katao ang tumutuloy ngayon sa 75 na evacuation center sa Mindanao.
Habang nasa mahigit na animnaput siyam na libong pamilya na nasa labas ng mga evacuation center ang kanilang tinutulungan ng ahensya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.