AFP at PNP, nakuha ang pinakamataas na public trust rating sa administrasyon ni Aquino
Nakuha ng Armed Forces of the Philippines (PNP) at Philippine National Police (PNP) ang pinakamataas na public trust rating noong administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino habang pinakamababa naman sa panahon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Ito ay base sa resulta ng First Quarter 2016 Social Weather Survey na isinagawa mula March 30 hanggang April 2, 2016.
Kahit noong nakaraang taon pa isinagawa ang naturang survey, inilabas ng SWS ang resulta nitong Biyernes June 23, 2017.
Ang report ay ipinapakita ng net trust ratings ng AFP at PNP mula September 1988 hanggang April 2016.
Sakop nito ang administrasyon ito ng limang presidente na sina Corazon Aquino, Fidel V. Ramos, Joseph Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo at Benigno Aquino III.
Sa isinagawang survey ng Social Weather Stations o SWS, 75 porsyento ng mga Pilipino ang mataas ang tiwala sa AFP noong unang quarter ng 2016 habang siyam na posyento lamang ang mababa ang tiwala sa kanila.
Para naman sa PNP, 69 na porsyento ang mataas ang tiwala sa kanila, habang 14 na porsyento naman ang mababa ang tiwala.
Ang net trust rating ng AFP ay +66 habang +55 naman para sa PNP.
Mas malaki ang tiwala ng publiko sa AFP at PNP na nakabase sa labas ng Metro Manila.
Ayon sa nasabing survey, pinakamataas ang net trust rating ng AFP sa Visayas na may +70, kasunod ang Mindanao at Balance Luzon na kapwa may +69 rating at +47 sa Metro Manila.
Para naman sa PNPO, sa Mindanao ang pinakamataas na net trust rating na +62, kasunod ng Balance Luzon na may +59, Visayas na may +58, at Metro Manila na may +29.
Kung ikukumpara ang net trust rating ng AFP at PNP sa mga probinsya at lungsod, para sa AFP +70 ang kanilang net rating sa mga probinsya, habang +60 naman sa lungsod.
Nasa +65 naman sa probinsya at +42 sa lungsod ang trust rating ng PNP.
Nasa 1,500 ang respondents ng nasabing survey, pare-parehong 300 mula sa Metro Manila, North Luzon, South Luzon, Visayas, at Mindanao.
May plus-minus 3% na sampling error margin para sa kabuuang porsyento, habang plus-minus 6% naman para sa North Luzon, South Luzon, Visayas, Mindanao, at Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.