Biyahe ng LRT 1, mas pahahabain na ang operating hours tuwing weekend at holiday

Inanunsiyo ng ng operator ng LRT 1 na Light Rail Manila Corporation o LRMC, na mas magiging mahaba na ang kanilang operating hours tuwing weekend at holiday.

Kaugnay ito na inilabas na bagong timetable na para sa weekday operation.

Ayon kay LRMC President at CEO Rogelio Singson, ang nasabing scheme ay pakatutulong upang mapa-ikli ang oras na ipipila ng mga pasahero at ang dami ng tao sa mga istasyon kapag weekend at holiday.

Sa ilalim ng bagong weekend at holiday scheme, magsisimula ang takbo ng tren 4:30 ng umaga, na siyang mas maaga ng 30 minuto.

Mula naman sa 423 trips ay magiging 472 trips na ang dami ng takbo ng mga tren kapag Sabado at mula 323 trips ay magiging 353 trips naman kapag Linggo.

Nagsimula na nitong June 24 at magpapatuloy sa June 25, July 1 at 2 ang dry run ng nasabing bagong weekend at holiday schedule.

Magsisimula naman sa July 8 ang full implementation ng nasabing bagong operation scheme.

Read more...