Nagpahayag na ng intensiyon si Jeron Teng na maging bahagi ng Gilas Pilipinas pool matapos maging bahagi ng Chooks-Pilipinas 3 on 3 sa 2017 Fiba 3 on 3 World Cup.
Ayon kay Teng, noong nasa France siya ay kanyang ng sinabihan sina Kiefer Ravena at Kobe Paras na nais niyang mapasama sa training.
Kaugnay nito, nagkipag-ugnayan na rin aniya siya kay National Team Coach Chot Reyes mula nangg dumating sila mula sa Nantes, France.
Dagdag pa ni Teng, walang player ang hindi gusto na maging kinatawan ng bansa.
Una ng napasama ang mga teammate nitong sina Ravena at Paras para sumali sa Gilas pool kung saan makakasama nila sina Raymar Jose, ang Fil-German forward na si Christian Standhardinger, mga beteranong sina Kevin Alas at Baser Amer.
Umaasa si Teng na makakakuha ng positibong sagot mula kay Reyes kung pwede siyang sumama sa training sa darating na Martes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.