Devon Seron, nasa South Korea para shooting ng kanyang pelikula

Kasalukuyang nasa South Korea ngayon ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Devon Seron para sa shooting ng kanyang pelikula na “You with Me”.

Kasama ni Devon sa naturang pelikula ang mga Korean actors na sina Hyun-woo at Jin Ju-hyong.

Makikita sa mga posts sa Instagram fan page ni Devon na nagsimula ng kuhaan ang ilang eksena ng pelikula.

Ginaganapan ni Devon ang karakter nito na si Kim Soriano, isang Pilipinong pumunta sa Korea para takasan ang mahigpit nitong mga magulang at agtrabaho bilang isang English teacher.

Kalaunan ay kanyang nakilala ang kanyang love interest na si Jason na ginaganapan ni Hyun-woo at magiging karibal naman nito ang assitant nitong si Rintaro na ginagampanan naman ni Jin Ju-hyong.

Nakatakadang ipalabas ang “You with Me” sa Pilipinas sa darating na September 27.

Read more...