Human rights abuses sa Martial Law, hindi kinukunsinti

By Len Montaño June 24, 2017 - 05:34 PM

Nangako ang Malakanyang na iimbestigahan ang posibleng mga paglabag sa karapatang-pantao sa gitna ng Martial Law sa Mindanao.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, tutol sa human rights abuses at hindi ito kinukunsinti ni Pangulong Duterte, ng AFP, PNP at ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na Mindanao Administrator for Martial Law.

Kapag aniya napatunayan na may pag-abuso sa implementasyon ng Batas Militar ay paparusahan ang mga umabuso lalo na ang sexual violence laban sa kababaihan.

Pahayag ito ng Palasyo kasunod ng pagkundena ng Integrated Bar of the Philippine-Lanao del Sur Chapter sa umano’y illegal searches and seizure sa Marawi City.

Ibinahagi naman ni Abella ang pahayag ng Commission on Human Rights na sa ngayon ay wala silang naitalang pag-abuso sa human rights sa Mindanao.

TAGS: Batas Militar, Ernesto Abella, Mindanao, Batas Militar, Ernesto Abella, Mindanao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.