Posibleng nakatakas na mula sa Marawi City ang Abu Sayyaf Group Leader at wanted terrorist na si Isnilon Hapilon.
Ayon kay Lt. Gen. Carlito Galvez, head ng AFP Western Mindanao Command, hindi na nakita si Hapilon sa war zone sa Marawi City kung saan ang bakbakan ng tropa ng gobyerno at Maute group.
Ang operasyon ng militar para arestuhin si Hapilon noong May 23 ang mitsa ng bakbakan sa panig ng mga sundalo at ISIS-inspired local terrorists.
Sinabi ni Galvez na may natanggap silang ulat na nakapuslit na si Hapilon pero kinukumpirma pa ito ng militar.
Nagtatago na aniya si Hapilon dahil mahigit karamihan ng mga tauhan nito ay napatay na ng militar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.