Kalaboso ang isang lasing na lalaki matapos makumpiskahan ng ilang sachet ng shabu at pekeng ID ng pulis sa Araneta Avenue, Brgy. Tatalon, Quezon City.
Kinilala ang suspek na si Neil Elizaga, 48 anyos, residente ng Caloocan City.
Ayon sa ulat ng pulisya, inireklamo ng mga kapitbahay si Elizaga dahil sa sobrang kalasingan at pangugulo sa lugar.
Sa pagresponde ng mga pulis, nakuha sa suspek ang pekeng ID ng PNP kung saan gamit niya ang pangalang PO3 Neil del Mundo at tatlong sachet ng shabu.
Dahil sa sobrang kalasingan, hindi makausap ng matino si Elizaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.