2 pang bangkay ng foreign-looking fighters, narekober sa Marawi City

Nadagdagan ang bilang ng mga dayuhang terorista na napatay sa gitna ng bakbakan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at mga miyembro ng Maute group at ibang terror groups sa Marawi City.

Ito ay matapos na dalawang bangkay ng pinaniniwalaang foreign terrorist ang narekober sa lungsod.

Ayon kay Western Mindanao Command Commander Lt. Gen. Carlito Galvez Jr., nasa decomposing state na ang mga bangkay at walang identification documents na nakita.

Dahil dito ay umabot na sa 10 ang kabuuang bilang ng mga dayuhang terorista na napatay sa gitna ng gulo.

Bago nito ay 8 foreign Jihadists, 2 sa mga ito ay Malaysian, 2 ang Saudi nationals, 2 Indonesians, 1 Yemeni at 1 Chechen national ang kumpirmadong napatay.

Sinabi ni Galvez na base sa build ng katawan, tangkad, maputing complexion, hugis ng ilong at hitsura ng muhka ay posibleng taga-Middle East ang dalawang bangkay na pinakahuling nakita.

Batay rin anya sa pahayag ng mga sumukong local terrorists sa otoridad, nasa 10 hanggang 15 “foreign-looking” fighters ang nakikipaglaban sa tropa ng gobyerno.

Dagdag ni Galvez, karamihan sa mga foreign fighters ay bomb experts at snipers.

Read more...