Ilang bangko, sarado sa selebrasyon ng Eid’l Fitr

By Len Montaño June 24, 2017 - 02:14 PM

Sarado ang karamihan ng mga bangko sa Lunes, June 26, bilang obserbasyon ng Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng isang buwang Ramadan.

Inanunsyo ng Bank of the Philippine Islands na sarado ang lahat ng kanilang sangay gayundin ang UCPB at China Bank.

Bukas naman ang ilang branch ng BDO, Unibank Inc. sa naturang Islamic holiday.

Samantala, sinabi ng Metrobank na ang branch lang nila sa NAIA Terminal 3 ang bukas sa Lunes sa pina-ikling banking hours.

Ilang piling branch din ng Philippine National Bank ang bukas sa June 26 at limitado rin ang oras ng operasyon.

Habang ang mga branch ng Security Bank sa NAIA Terminals 1 at 3 lang ang bukas sa regular banking hours.

Noong nakaraang linggo ay idineklara ng Malakanyang na regular holiday ang June 26 sa buong bansa bilang obserbasyon sa Eid’l Fitr batay na rin sa rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos.

Ito ay para maiparating ang religious at cultural siginificance ng pagtatapos ng Ramadan sa kamalayan ng buong bansa.

TAGS: bdo, bpi, China Bank, Eid'l Fitr, Metrobank, PNB, ramadan, security bank, UCPB, Unibank Inc., bdo, bpi, China Bank, Eid'l Fitr, Metrobank, PNB, ramadan, security bank, UCPB, Unibank Inc.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.