Klase sa mga Muslim educational institution sa Region 10, magsisimula pagkatapos ng Eid’l Fitr

By Chona Yu June 24, 2017 - 02:11 PM

Nagtayo na ang Department of Social Welfare and Development ng mga tent sa ilang lalawigan sa Region 10.

Ito ay para pansamantalang maging tuluyan ng mga bakwit mula sa Marawi City dahil sa patuloy na bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute group.

Kabilang ang pansamantalang tuluyan na ito sa bayan ng Pantar sa Lanao del Norte at sa mga evacuation centers sa Iligan city, Balo-i at Pantao Ragat

Ayon sa DSWD, magsisimula ang klase sa mga mga madrasa o muslim educational institution pagkatapos ng Eid’l Fitr.

Gugunitain ng nga muslim ang Eid’l Fitr sa Lunes kasabay ng pagtatapos ng Ramadan o holy month.

Mahalaga ayon sa DSWD na maipagpatuloy ng mga bata ang pag-aaral para mabaling ang atensyon at pansamantalang makalimutan ang giyera sa Marawi City.

TAGS: dswd, Eid'l Fitr, Marawi City, Region 10, dswd, Eid'l Fitr, Marawi City, Region 10

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.