Ayon kay DepEd Asec. Tonisito Umali, ito ay para tumulong sa pagtuturo sa mga estudyante ng Marawi City sa sandaling manumbalik sa normal ang sitwasyon at pabalikin na sa paaralan ang mga kabataan.
Sa ngayon ayon kay Umali, umabot na sa 44 na guro ang sumailalim sa psychosocial intervention.
All accounted for naman at ligtas na ayon sa opisyal ang may 1,400 na tauhan ng DepEd sa lungsod kasama ang mga guro.
Sa ngayon, sinabi ni Asec. Umali na indefinite ang suspensyon ng klase sa Marawi at hihintayin ng DepEd ang abiso ng militar kapag maituturing nang ligtas ang sitwasyon.
MOST READ
LATEST STORIES