Tigil-putukan sa Marawi City sa Eid’l Fitr, imposible – AFP spokesman
Walang ipatutupad na tigil-putukan sa Marawi City sa kabila ng selebrasyon ng Eid’l Fitr sa Lunes, June 26.
Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magpapatuloy ang kanilang opensiba laban sa Maute group na nagkukuta pa rin sa naturang lungsod.
Ipinaliwanag ni AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, na kailangang ipagpatuloy ang opensiba sa kapakanan na rin ng mga taga-Marawi.
Dagdag pa ni Padilla, 4 sa 96 na barangays sa lungsod ang kinakailangan pang linisin laban sa mga miyembro ng teroristang grupo.
Sa kabuuan ay nasa 30-40% ng siyudad ang nasira habang nasa 246,000 na residente naman ang na-displaced dahil sa bakbakan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.