Bilang ng foreign terrorist fighters sa Mindanao, aabot sa 89 ayon sa PNP

By Jimmy Tamayo June 24, 2017 - 11:04 AM

Aabot sa 89 na “foreign terrorist fighters” ang kumikilos sa ibat-ibang lugar sa Mindanao kabilang ang Marawi City, ayon sa intelligence report ng Philippine National Police (PNP).

Sa nasabing bilang, nasa 28 ang Indonesians, 26 Pakistanis, 21 Malaysians, 4 Arabs, 3 Bangladeshi, isang Singaporean-Indian, isang Singaporean at lima na hindi pa matiyak ang nationality.

Sa nasabing report na inilabas ng Kyodo News, tatlong entry points ang dinanaan ng mga hinihinalang foreign terrorist para makapasok sa bansa.

Isa sa mga tinukoy ay ang hilagang bahagi ng Sulawesi sa Indonesia mula sa Tahuna sa Sangir Besar patungo sa Sarangani province.

Maaaring ginamit din ng mga ito ang Sandakan sa Borneo papuntang Tawi-Tawi, Zamboanga at sa Palawan.

Ayon pa sa intelligence report, aabot pa sa 250 hanggang 300 na miyembro ng Maute group kasama ang ilang mga dayuhang terorista ang nanatili sa Marawi city.

Gayunman, itinanggi ng Armed Forces of the Philippines ang nasabing report at iginiit na nasa 90 hanggang 100 lamang ang mga naiwang Maute terrorist na lumalaban sa Marawi.

TAGS: foreign terrorist fighters, Marawi City, Maute Group, PNP, foreign terrorist fighters, Marawi City, Maute Group, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.