1 patay, 1 sugatan sa sumabog na granada sa Camarines Sur

Isa katao ang patay habang isa naman ang sugatan matapos sumabog ang granada sa Iriga City, Camarines Sur.

Batay sa report, sinabi ni Bicol police spokesperson Senior Inspector Maria Luisa Calubaquib na hawak ang granada ni Roy Tino, kwarenta y otso anyos, bandang alas siyete y medya kagabi sa Barangay San Nicolas.

Dahil dito, patay ang kasambahay na si Marites Capena, trenta y sais anyos mula sa Barangay Sta. Justina East ng bayan ng Buhi habang dinala naman ang sugatang si Tino sa Bicol Medical Center sa Naga City.

Read more...