2 kilo ng shabu, narekober sa bahay ng dating Marawi mayor
Nasabat ng mga otoridad ang dalawang kilo ng shabu sa tahanan ng isang dating alkalde ng Marawi City na hinihinala ring isa sa mga financier ng Maute Group.
Tinatayang nagkakahalaga ng P10 milyon ang nakuhang iligal na droga kay dating Marawi City mayor Omar Solitario Ali.
Nagsagawa ng clearing operations ang pulisya, kung saan iniisa-isa nila ang mga bahay sa Barangay Bangon.
Pagdating sa bahay ni Ali, nakita ng mga otoridad sa isang cabinet sa ikalawang palapag ang mga iligal na droga, na ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya.
Si Ali ay kasama sa listahang inilabas ng Department of National Defense na naglalaman ng 125 na hinihinalang miyembro ng Maute Group.
Bukod sa naturang arrest order, napasama na rin ang pangalan ni Ali sa listahan ng mga narco-politicians ng pamahalaan noong nakaraang taon.
Samantala, nasamsam naman ang ilang mga drug paraphernalia sa ilang mga kabahayan malapit sa tahanan ni Ali.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.