Pondo sa pagpapagawa ng pabahay para sa mga dating NPA, ilalabas na ng DILG

By Alvin Barcelona June 24, 2017 - 05:00 AM

Puwede nang mag-avail ang mga kwalipikadong local government units (LGUs) sa P5 milyong pondo para sa pagpapagawa ng mga halfway house ng mga dating miyembro ng New People’s Army (NPA) na nasa ilalim ng Comprehensive Local Integration Program (CLIP).

Inanunsyo ito ng Department of Interior and Local Government (DILG) matapos nitong ilabas ang mga guidelines na dapat sundin ng mga kinauukulang lalawigan at highly-urbanized cities (HUCs) na gustong makakuha ng nasabing pondo.

Ayon kay DILG Officer-in-Charge (OIC) Catalino Cuy, ang mga kwalipikadong LGU ay ang mga lalawigan, at mga HUCs na humingi ng pinansyal na tulong para sa pagpapagawa ng mga halfway house ng mga dating rebelde na naka-enroll sa programa.

Pwede pa din aniyang mag-request ang iba pang lalawigan at HUCs ng katulad na tulong pero naka-depende sa matitirang pondo kung ito ay maaprubahan o hindi.

Prayoridad sa programa ang mga LGUs na may pinakamaraming naka-enroll na rebelde, iyong wala pang halfway house at may nakalaan nang lupa para sa nasabing proyekto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.