Dalawa pang sundalo nasawi sa Marawi

By Chona Yu June 24, 2017 - 04:41 AM

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa patuloy na bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute Group sa Marawi City.

Sa pinakahuling talaan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), dalawa pang sundalo ang nadagdag sa talaan ng mga nasawi.

Dahil dito, pumalo na sa 69 ang nalalagas sa puwersa ng gobyerno, habang umabot naman na sa 280 ang patay sa panig ng mga terorista.

Nananatili naman sa 26 ang bilang ng mga sibilyang pinatay ng mga miyembro ng Maute Group.

Sa kabuuang isang buwang giyera sa Marawi, umabot na sa 375 ang kabuuang bilang ng mga nasawi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.