33 estudyante nalason sa kinaing isaw burger sa Pangasinan

By Justinne Punsalang June 23, 2017 - 03:33 PM

Isinugod sa ospital ang talumpu’t tatlong mag-aaral ng Nalsian-Bacayao Elementary School sa Calasiao, Pangasinan, matapos makaranas ng sintomas ng food poisoning pagkakain ng isaw burger.

Nabili ng mga mag-aaral ang isaw burger mula sa isang ambulant vendor sa labas ng kanilang paaralan.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Anna Maria Theresa De Guzman, 22 sa mga isinugod sa Pangasinan Provincial Hospital ang nananatiling naka-confine, habang ang 11 ay pinauwi na matapos gamutin.

Nagreklamo ng pananakit ng tiyan at pagsusuka ang mga mag-aaral ilang minuto matapos kainin ang nasabing isaw burger.

Magkahalong bituka at atay ng manok ang laman ng burger patty.

Pinaghahanap na ng pulisya ang tindero ng isaw burger, na nakaalis na bago pa magkaroon ng kahit anumang sintomas ang mga estudyante.

 

 

TAGS: calasiao pangasinan, isaw burger, Pangasinan Provincial Hospital, calasiao pangasinan, isaw burger, Pangasinan Provincial Hospital

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.