Manila-Clark Railway project, ilulunsad na ng DOTr
Sisimulan na ng pamahalaan ang Manila-Clark Railway project.
Ayon sa DOTr, sa Lunes, June 26, mamarkahan na ang unang limang istasyon ng nasabing proyekto.
Kabilang dito ang Tutuban, Valenzuela, Caloocan, Meycauayan at Marilao stations.
Nasa 106 kilometers ang haba ng Manila-Clark Railway project.
Layon ng nasabing proyekto na mapabilis sa 55 minuto ang biyahe mula Maynila patungong Clark.
Inaasahang makikinabang dito ang 350,000 na pasahero kada araw.
Target ng DOTr na pormal na masimulan ang konstruksyon sa 4th quarter ng kasalukuyang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.