5 Court of Appeals Justice, napasama sa shortlist ng JBC para sa mababakanteng posisyon sa SC
Inilabas na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang shortlist nito para sa mababakanteng pwesto bilang associate justice ng Supreme Court.
Limang mahistrado ng Court of Appeals (CA) at isang College of Law Vice Dean ang napasama sa shortlist na pagpipiliian ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nakakuha ng pinakamataas na boto si CA Presiding Justice Andres Reyes Jr. na mayroong pitong boto.
Habang tig-anim na boto naman sina CA Justices Rosmari D. Carandang at Jose Reyes Jr.
Tig-lilimang boto naman ang nakuha nina CA Justices Apolinario Bruselas Jr. at Japar Dimaampao at CEU Law Vice Dean Rita Linda Ventura-Jimeno.
At aoat na boto naman ang nakuha ni CA Justice Amy Lazaro-Javier.
Ipinasa ang pangalan ng mga ito ng JBC kay Pangulong Duterte upang pagpilian niya ng kung sino ang ipapalit sa magreretirong si Associate Justice Buenvenido Reyes.
Si Reyes ay nakatakdang magretiro sa pwesto sa July 6, 2017.
Ang mga napasama sa shortlist ay sumalang sa isinagawang public interview ng JBC na ginanap sa Supreme Court noong nakalipas na mga linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.