Mahigit 13 libong checkpoints ikinalat sa Eastern Mindanao

Nagpakalat na ng 13,149 na mga checkpoints sa iba;t ibang bahagi ng Eastern Mindanao.

Ayon Eastern Mindanao Command Spokesperson B/Gen. Gilbert Gapay, umiiral din ang curfew sa 210 na mga munisipalidad at barangay.

Ito ay upang maharang ang posibleng spillover ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Marawi City.

Tiniyak naman ni Gapay na hindi naaabuso ang pagpapatupad ng martial law.

Samantala sa update, umabot na sa 280 na terorista ang nasawi sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.

Nasa 69 naman ang napatay sa panig ng tropa ng pamahalaan.

 

 

 

 

 

Read more...