Sinasabing pekeng bigas, pumasa sa laboratory tests ng NFA
Walang pekeng bigas sa Pilipinas.
Ito ang pagigiit ng National Food Authority (NFA) kasunod ng agam-agam ng publiko na talamak na ang bentahan ng pekeng bigas sa Merkado.
Ayon kay NFA Administrator Jason Aquino, mayroon ng resulta ang laboratory test na isinagawa nila at lumalabas na may characteristics ng starch granules, starch content at sensory characteristics ang bigas na kanilang sinuri.
Nakolekta ng NFA ang mga sample ng bigas sa Signal Market sa Taguig City, Litex Market sa Commonwealth, Quezon City; Borongan, Samar, Dumaguete at Cebu at kanila itong dinala sa Food Development Center.
Nagpaliwanag naman si Jocelyn Sales, NFA Ditector ng FDC, at kanyang sinabi na 3 laboratory examination ang kanilang ginawa para matiyak ang alegasyon ng fake rice.
Niluto raw nila ito at isinailalim sa microscopic analysis, starch analysis at sensory evaluation para malaman kung mayroon itong delikadong kemikal.
Matatandaang batay sa reklamo, iba ang lasa ng bigas na nabili sa isang pamilihan at noong iluto na ay mahirap din nguyain dahil parang goma ito na sobrang kunat.
Bukod sa fake rice issue ngayong taon, noong 2015 ay napaulat din ang pagkalat ng pekeng bigas sa Tanauan, Batangas subalit matapos suriin ng NFA ay napag-alaman na hindi peke ang bigas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.