Ilocos Norte at Compostela Valley, niyanig ng lindol

June 23, 2017 - 09:30 AM

Magkasunod na tumama ang lindol sa Ilocos Norte at sa Compostela Valley, Biyernes ng umaga.

Unang niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bayan ng Adams sa lalawigan ng Ilocos Norte.

Ayon sa Phivolcs, may lalim lang na 13 kilometers ang pagyanig na naganap alas 4:59 ng umaga.

Naitala ang epicenter nito sa 9 kilometers West ng Adams.

Alas 7:48 naman ng umaga nang yanigin ng magnitude 3.1 na lindol ang Pantukan, Compostela Valley.

Naitala ang pagyanig sa 11 kilometers West ng Pantukan na may lalim na 30 kilometers.

Ayon sa Phivolcs hindi inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang dalawang lindol.

 

TAGS: Compostella valley, earthquake, ilocos norte, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Compostella valley, earthquake, ilocos norte, Philippine Institute of Volcanology and Seismology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.