OK ang therapy para kay Revilla

June 04, 2015 - 04:13 AM

11261039_965637110114304_1024631217_n
Radyo Inquirer File Photo

Pinayagan ng Sandiganbayan ang kahilingan ni Senator Bong Revilla Jr., nakapagpa-therapy dahil sa nararanasan niyang pananakit ng katawan.

Sa desisyon ng Sandigabayan 1st Division, maaring sumailalim sa physical therapy si Revilla sa Philippine National Police (PNP) General Hospital tatlong beses sa isang Linggo.
Nakasaad din sa desisyon na hindi dapat lalagpas ng isang oras ang kada sesyon ng therapy.

Noong May 6, 2015, hiniling ni Revilla sa Sandiganbayan na payagan siyang makapagpa-therapy at makapagpa-checkup sa PNP General Hospital sa loob ng Camp crame sa Quezon City.
Ginamit na batayan ng mga abogado ni Revilla ang resulta ng x-ray sa kaniyang tuhod at paa.

Na-diagnosed si Revilla na mayroong “Archilles Tendonitis” sa kaniyang mga paa. Mayroon din itong “Osteoarthritis” at “Lumbar Herniated Nucleus Pulposus” o pagkapunit ng ilang fiber sa kaniyang lumbar spin. Ito umano ang nagiging dahilan ng pananakit ng kaniyang likod.

Sa rekomendasyon ng duktor sa PNPGH na si Senior Inspector Francisco Agudon III, dapat umanong sumalalim sa anim na sesyon ng physical therapy si revilla sa loob ng dalawang Linggo./Erwin Aguilon

TAGS: PDAF, plunder, Revilla, therapy, PDAF, plunder, Revilla, therapy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.