Ang kadaragdagan na P0.02 kada kilowattHour (kWh) sa singil sa kuryente ay ipatutupad ng Meralco kada-buwan sa loob ng dalawampu’t siyam na buwan.
Ito ay dahil sa P1.69 bilyong utang ng MERALCO na babayaran sa Philippine Electricity Market Corporation (PEMC).
Sa kabila nito, sinabi ng Meralco na kahit may idadagdag na P0.02 per kilowattHour ay makararamdam pa rin ng pagbaba sa kabuuang bill.
Ayon sa Meralco, sa Hulyo kasi ang ikalawang bugso ng refund na P0.79 per kilowattHour.
Samantala, humirit naman ng dagdag-singil sa tubig ang Maynilad at Manila Water.
Katwiran ng dalawang water concessionaires naaapektuhan sila ng palitan ng piso kontra dolyar, yen, at euro.
Nasa P0.29 per cubic meter ang inihihirit ng Maynilad, habang P0.07 kada cubic meter naman ang petisyon ng Manila Water.