Meralco may pagtaas sa singil sa Hulyo; Maynilad at Manila Water humirit din ng dagdag-singil

By Dona Dominguez-Cargullo June 23, 2017 - 06:49 AM

May bahagyang dagdag-singil sa kuryente ang Meralco sa buwan ng Hulyo.

Ang kadaragdagan na P0.02 kada kilowattHour (kWh) sa singil sa kuryente ay ipatutupad ng Meralco kada-buwan sa loob ng dalawampu’t siyam na buwan.

Ito ay dahil sa P1.69 bilyong utang ng MERALCO na babayaran sa Philippine Electricity Market Corporation (PEMC).

Sa kabila nito, sinabi ng Meralco na kahit may idadagdag na P0.02 per kilowattHour ay makararamdam pa rin ng pagbaba sa kabuuang bill.

Ayon sa Meralco, sa Hulyo kasi ang ikalawang bugso ng refund na P0.79 per kilowattHour.

Samantala, humirit naman ng dagdag-singil sa tubig ang Maynilad at Manila Water.

Katwiran ng dalawang water concessionaires naaapektuhan sila ng palitan ng piso kontra dolyar, yen, at euro.

Nasa P0.29 per cubic meter ang inihihirit ng Maynilad, habang P0.07 kada cubic meter naman ang petisyon ng Manila Water.

 

 

 

 

 

TAGS: manila water, maynilad, Meralco, power, power rate, water rate, wter, manila water, maynilad, Meralco, power, power rate, water rate, wter

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.