Makasaysayang istruktura sa Mosul, Iraq pinasabog ng ISIS

1

Pinasabog ng mga miyembro ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS ang makasaysayang ‘leaning minaret’ o tore sa bayan ng Mosul sa Iraq.

Ang ‘leaning minaret’ o ‘hunchback’ na itinayo noon pang taong 1127 ang itinuturing na ‘leaning tower of Pisa’ ng Iraq.

Sinasabing tinaniman ng maraming bomba ng ISIS ang naturang struktura  bago ito tuluyang pinasabog.

Bukod sa tore, dinurog rin ng mga jihadist ang Nuri mosque kung saan isinagawa ni Abu Bakr al-Baghdadi ang kanyang kauna-unahang sermon bilang lider ng Islamic State.

Ang dalawang istruktura ay mahahalagang simbolo ng kasaysayan ng Iraq.

Ayon kay Prime Minister Haider al-Abadi, ang pagpapasabog sa dalawang historical landmarks ay sumisimbolo ng mistulang opisyal na deklarasyon ng pagkatalo ng ISIS.

Paniniwala ng opisyal, pinasabog ng ISIS ang mga struktura upang hindi na ito mabawi pa ng mga umaabanteng puwersa ng Iraq sa Mosul.

Gayunman, labis ang kalungkutan ng mga taga-Iraq sa pagkawala ng 12th century iconic treasure.

Read more...