Posibleng patay na si Omar Maute, ang isa sa dalawang founding members ng Maute Terror Group.
Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff, Gen. Eduardo Año.
Ayon pa kay Año, napaulat na buhay pa ang kapatid ni Omar na si Abdullah at hindi pa rin nakalalabas ng Marawi City.
Ang magkapatid ang itinuturong pasimuno ng pag-atake sa Marawi City, na isang buwan nang sinisikap na supilin ng militar.
Kamakailan ay lumutang ang balita na napatay si Omar sa inilunsad na airstrikes ng militar.
Una nang inihayag ng AFP na posibleng hindi pa nakalalabas ng Marawi ang Abu Sayyaf leader at sinasabing ‘emir’ ng ISIS sa Pilipinas na si Isnilon Hapilon.
Si Hapilon ang pangunahing target ng militar sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.