Mamamahayag sa Ozamis City, pinatay

August 27, 2015 - 08:43 PM

Mula sa globalnation.inquirer.net

Isa na namang kaso ng pamamaslang sa kagawad ng media ang nangyari sa Ozamiz City, Misamis Occidental.

Kinilala ng Misamis Occidental Provincial Police Office ang biktima na si Cosme Mestrado, Radio Anchor ng DXOC, na affiliate station ng RMN sa Ozamiz City.

Agad na napatay si Mestrado matapos pagbabarilin nang malapitan sa ulo kaya dineklera na rin itong patay pagdating sa pagamutan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na nagtamo ng sampung tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Naganap ang pamamaril sa harap ng isang commercial area sa Rizal St., Ozamiz City.

Batay sa tala ng National Union of Jounalists of the Philippines o NUJP, nasa 28 na ang mga mamamahayag na pinaslang sa ilalim ng Aquino Administration.

Nasa 174 naman ang bilang ng mga mediaman na nasawi mula noong taong 1986./Jong Manlapaz

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.