IBP binuweltahan ng PNP sa bintang ng nakawan sa Marawi City
“Maglabas kayo ng mga ebidensya”.
Ito ang naging bwelta ng Philippine National Police laban sa alegasyon ng mga kasapi ng Integrated Bar of the Philippines Lanao del Sur Chapter na nagkakaroon na ng looting o nagnanakaw na umano ang mga pulis at sundalo na nakikipagbakbakan sa Maute group sa Marawi City.
Paliwanag ni PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos, hindi kukunsintihin ng pamunuan ng pambansang pulisya kung may tauhan silang sangkot sa ganitong gawain.
Pero ayon kay Carlos, dapat munang patunayan ng IBP ang kanilang akusasyaon laban sa mga pulis at sundalo.
Nakapagtataka umanong sa kanila lang nakatingin ang grupo ng IBP-Lanao del Sur subalit hindi naman pinupuna ang pag-okupa ng Maute group sa mga bahay sa Marawi City.
Paulit ulit na itinatanggi ng militar at pulisya na wala silang kinalaman sa mga reklamo ng nakawan dahil bago pa man sila pumasok sa lugar ay ni-ransack na ito ng mga miyembro ng Maute group.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.