Bagong banat ni Trillanes kay Duterte binalewala ng Malacañang

By Isa Avedaño-Umali June 22, 2017 - 05:35 PM

Inquirer file photo

Pinagtawanan lamang ng Malakanyang ang pinaka-bagong pahayag ni Senador Antonio Trillanes laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay ang pagbuo raw ng pangulo ng Philippine Death Squad at hindi na raw Davao Death Squad.

Kasama umano rito, ani Trillanes, ang inabsweltong si Supt. Marvin Marcos na dawit sa pagkapaslang kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Albuera.

Sa briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na malaking kahibangan ang alegasyon ni Trillanes.

Buwelta pa ni Abella, ang mga sagot ni Trillanes sa isang BBC interview noong nakalipas na araw na nagpapakita ng kanyang pagtao.

Marami raw kasi malalaking pantasya ang senador kaya kung anu-ano na ang inilalabas na akusasyon.

Si Trillanes, kasama si Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano ay naghain ng reklamo sa International Criminal Court o ICC kamakailan kontra sa war against drugs ng administrasyon.

Binanggit din ng dalawa sa reklamo ang DDS na pinangunahan daw ni Duterte noong alkalde pa siya ng Davao City.

TAGS: BBC, duterte, Malacañang, trillanes, BBC, duterte, Malacañang, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.