Mas matatag na security protection sa mga police stations ipinag-utos

By Chona Yu June 22, 2017 - 03:43 PM

Inquirer file photo

Inatasan na ni Philippine National Police Chief Ronald dela Rosa ang mga regional directors na muling pag-aralan ang kani-kanilang camp defense plan.

Sa gitna na rin ito ng sunod-sunod na pag-atake ng mga kalaban ng estado sa mga istasyon ng pulisya sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos, kinakailangan na paigtingin pa ng mga pulis ang pagbabantay sa kani-kanilang area of responsibility lalo na sa kani-kanilang istasyon.

Bukod dito, sinabi rin ni Carlos na kailangan mas paigtingin pa ang intelligence gathering ng PNP upang masiguro na hindi na mauulit pa ang ginagawang pag atake ng mga makakaliwang grupo sa mga istasyon ng pulisya.

Matatandaang kahapon lamang, inatake ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang detachment ng CAFGU sa Pigcawayan, North Cotabato habang sinalakay naman kamakailan ng mga miyembro ng New People’s Army ang police station sa Maasin, Iloilo.

TAGS: dela rosa, Iloilo, maasin, NPA, PNP, dela rosa, Iloilo, maasin, NPA, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.