Inginuso ni Sen. Antonio Trillanes ang grupo ni Supt. Marvin Marcos na nasa likod ng extrajudicial killings sa bansa.
Ayon kay Trillanes, parang grupo umano nina Arturo Lascañas at Sonny Buenaventura sa Davao City na mayroon organisasyon sa loob ng isang organisasyon na nag-ooperate sina Marcos.
Pinangalanan din ni Trillanes ang isang Supt. Leonardo ng PNP na namumuno sa Presidential Death Squad na umanoy malapit sa anak ng anak ng pangulo na si Davao City Vice Mayor Vice Mayor Paolo Duterte.
Ito umano ang nakikitang dahilan ni Trillanes kung kaya pinababa mula sa murder pababa ng homicide ang kaso nina Marcos at 18 iba pang sangkot sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.
Dahil dito, gustong pagpaliwanagin ni Trillanes at pamunuan ng Senado si Justice Sec. Vitaliano Aguirre sa naganap na pagdowngrade sa kaso ng mga pulis.
Nauna nang iginiit ni Aguirre na hindi siya ang nagponente na ibaba sa homicide ang kaso nina Marcos pero kumbinsido ang mga senador na lahat ng mga desisyon ay dumadaan sa kamay ni Aguirre bilang kalihim ng DOJ at hindi umano maaring magpalusot ang kalihim.