6 na BIFF ang napatay sa sagupaan sa North Cotabato

By Chona Yu, Dona Dominguez-Cargullo June 22, 2017 - 01:39 PM

Anim na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napatay ng tropa ng military kahapon sa Brgy. Malagakit, Pigcawayan, North Cotabato.

Sa panayam ng Radyo Inquireir, sinabi ni Captain Napoleon Alcarioto, tagapagsalita ng 602nd infantry brigade ng Philippine Army, walong iba pang BIFF members ang nasugatan.

Gayunman, sinabi ni Alcarioto na hindi nila narekober ang bangkay ng mga miyembro ng BIFF dahil dinala ito ng kanilang mga kasamahan.

Sa ngayon sinabi ni Alcarioto, balik na sa normaql ang sitwasyon sa lugar.

Katunayan nakabalik na ang ilang mga residente na nagsilikas kahapon matapos sumiklab ang bakbakan.

Sa hiwalay na panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ng tagapagsalita ng BIFF na si Abu Misry Mama na isa ang nasawi sa kanilang hanay at isa rin ang sugatan.

Itinanggi din ni Mama na may kaugnayan sa Marawi City attacks ang ginawa nilang pagsalakay.

Ang ginawa aniya nila kahapon sa North Cotabato ay ganti sa pag-atake sa kanila ng militar sa lalawigan ng Maguindanao kamakailan.

Sinabi ni Mama na hindi sila nakikialam o nakikipag-ugnayan sa Maute terror group, Abu Sayyaf Group at maging sa mga pulitiko.

 

TAGS: BIFF, marawi, pigcawayan, BIFF, marawi, pigcawayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.