Arraignment sa negosyanteng si Cedric Lee, naudlot

August 27, 2015 - 08:26 PM

Inquirer file photo

Hindi natuloy ang pagbasa ng sakdal ng Sandiganbayan 3rd Division sa kontrobersyal na negosyanteng si Cedric Lee para sa mga kasong graft at malversation.

Katwiran ni Lee, may pending pa siyang motion to quash na naihain noon lamang nakaraang araw.

Binigyan naman ng korte ng sampung araw ang prosekusyon para magkomento sa motion to quash ni Lee, habang sampung araw din ang inilaan sa businessman upang masagot ang magiging komento ng prosekusyon.

Itinakda naman ng Sandiganbayan ang arraignment kay Lee sa October 20, 2015.

Samantala, nabasahan naman ng sakdal ang co-accused ni Lee na si dating Mariveles Bataan Mayor Angel Peliglorio Jr, na naghain ng ‘not guilty’ plea.

Matatandaang ang kaso ng dalawa ay bunsod ng pagpasok sa kontrata para sa pagpapatayo ng public market sa Mariveles, Bataan noong nasa pwesto pa si Peliglorio.

Hindi naisakatuparan ang proyekto, subalit nakapag-advance naman si Lee ng 23 Million Pesos para rito.

Sina Lee at Peliglorio ay kapwa may arrest warrant na, pero pareho silang nakalalaya pa rin matapos maglagak ng piyansa./Isa Avendaño-Umali

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.