Apat na panel of prosecutors binuo ng DOJ para humawak sa mga kasong may kaugnayan sa Maute

By Ricky Brozas June 22, 2017 - 12:41 PM

Nagtalaga ang Department of Justice (DOJ) ng standby prosecutors na hahawak sa Maute cases.

Ito’y matapos ipag-utos ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang pagpuno ng iba pang piskal na hahawak sa rebellion cases laban sa mga miyembro at sympathizers ng terror group na may pakana ng gulo sa Marawi City.

Ayon sa kalihim, sa oras na dumami pa ang kaso na ihahain laban sa mga terorista ay may nakaantabay na piskalya na siyang didinig sa reklamo.

Kabilang sa mga napiling standby prosecutor ay sina Cagayan De Oro Assistant City Prosecutors Alfonso Vicente Jr., Louie Borja, Ansharey Lalia, at Misamis Oriental Assistant Provincial Prosecutors Lito Sanchez at Tadeo Polestico.

Ni-reorganisa rin ng kalihim ang second panel of prosecutors matapos ang voluntary inhibition ni Provincial Prosecutor Mangontawar Gubat.

Hindi naman malinaw kung bakit nag-inihibit sa pagdinig si Gubat. Siya ay pinalitan ni Iligan Deputy City Prosecutor Celso Sarsaba.

Ang iba pang miyemrbo ng panel ay sina Cagayan De Oro Assistant City Prosecutor Abdullah Macagaan at Assistant Provincial Prosecutor Gerald Cecilio Roa.

Binuo ni Aguirre ang four panels of prosecutors na may tig-tatatlong miyembro para magsagawa ng inquest proceedings sa loob ng Camp Evangelista sa Cagayan De Oro.

Sila ang magdedetermina kung dapat o hindi sampahan ng kaso sa hukuman ang mga suspek.

 

 

 

 

TAGS: DOJ, Marawi City, Maute, panel of prosecutors, DOJ, Marawi City, Maute, panel of prosecutors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.