Dating Senador Bong Revilla bigong makadalo sa trial; na-confine sa ospital dahil sa hypertension
Hindi nakadalo si dating Senador Bong Revilla sa paglilitis ng Sandiganbayan sa kaniyang kasong plunder.
Ayon sa kaniyang abogado, dinala sa St. Luke’s Medical Center si Revilla dahil sa hypertension.
Nagtataka naman ang mahistrado ng Sandiganbayan kung bakit hindi naabisuhan ang korte hinggil as pagkaka-confine kay Revilla sa ospital.
Ayon kay Atty. Reody Balisi, noon pang Martes naka-confine sa St. Luke’s si Revilla. Ikalawang araw noon ng furlough na ipinagkaloob sa kaniya ng Sandiganbayan para mabisita ang kaniyang maysakit na ama.
Samantala, ayon naman sa isa pang abogado ni Revilla na si Atty. Ramon Esguerra, maaring makalabas na din ng pagamutan ngayong araw si Revilla.
Sa isinagawang trial, ipinrisinta ng prosekusyon ang testigong si Marissa Santos mula sa records division ng Department of Budget and Management (DBM).
Ito ang unang araw ng trial sa kasong plunder Revilla kaugnay sa Pork Barrel scam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.