Suplay ng kuryente, hindi maaapektuhan ng maintenance shutdown ng Malampaya

By Justinne Punsalang June 22, 2017 - 12:15 PM

Malampaya natural gas plant | Photo from https://malampaya.com/

Magkakaroon ng maintenance shutdown ang Malampaya gas facility sa susunod na buwan at sa buwan ng Setyembre.

Pero agad nilinaw ng Department of Energy (DOE) na hindi ito makaaapekto sa supply ng kuryente sa bansa.

Ayon sa DOE, 500 megawatts ang inaasahang mababawas sa supply sa gagawing unang shutdown na naka-schedule sa July 15 at 16.

Habang 1,100 megawatts naman ang mababawas sa supply sa pangalawang shutdown sa September 23 at 24.

Ayon sa DOE, itinapat nila ang maintenance shutdown ng weekends, kung saan mababa ang demand ng kuryente.

Dagdag pa ng DOE, anumang problema sa supply ay maaring matugunan gamit ang kanilang uninterruptible load program.

Tniyak din ng DOE na hindi maaapektuhan ng shutdown ang presyo ng kuryente.

 

 

 

TAGS: DOE, malampaya power plant, power situation, power supply, DOE, malampaya power plant, power situation, power supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.