CAFGU member na napatay sa N. Cotabato, binaril ng kaibigang BIFF sa harap ng pamilya

By Rohanisa Abbas June 22, 2017 - 12:06 PM

Na-rekover na ng mga otoridad ang labi ng nasawing myembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit na nasawi sa pag-atake ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa Pigcawayan, North Cotabato.

Natagpuan ang bangkay ng biktima malapit sa kanyang bahay.

Binaril ang naturang myembro ng CAFGU sa harap ng kaniyang pamilya nang tangkain nitong tumakas mula sa BIFF. Kaibigan pa umano ng biktima ang bandidong bumaril sa kanya.

Dalawa pang miyembro ng CAFGU ang sugatan sa pag-atake ng BIFF.

Ayon kay Caprain Nap Alcarioto, tagapagsalita ng 602ng Brigade ng Army, patuloy ang clearing operations nila sa lugar.

Samantala, sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ng tagapagsalita ng BIFF na si Abu Misry Mama na isa ang nasawi sa kanila at isa rin ang sugatan.

Kahapon, sinalakay ng BIFF ang Pigcawayan kung saan 31 sibilyan ang kanilang binihag na kalaunan ay nakalaya rin.

Nakatakas naman ang mga myembro ng grupo na umatake sa lugar.

Umabot naman sa 1,000 residente ang inilikas dulot ng inisdente.

 

 

TAGS: BIFF, cafgu, pigcawayan north cotabato, BIFF, cafgu, pigcawayan north cotabato

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.