Dating PCGG Chairman Camilo Sabio hinatulang makulong ng hanggang 20 taon sa kasong graft
Guilty ang hatol ng Sandiganbayan 1st division kay dating Presidential Commission on Good Government (PCGG) Chairman Camilo Sabio sa kinakaharap nitong kasong graft.
Napatunayan ng anti-graft court na nagkasala si Sabio sa kasong paglabag sa anti-graft and corrupt practices act.
Dahil dito, pagkakakulong ng mula 12 hanggang 20 taon ang ipinataw na parusa kay Sabio.
Ang kaso ay kaugnay sa maanomalyang pagrenta ng milyon pisong halaga ng sasakyan noong 2007 at 2009 ng PCGG ng walang isinagawang public bidding.
Nakatakda namang maghain ng apela ang kampo ni Sabio hinggil sa naging pasya ng korte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.