Pasok sa mga paaralan sa Pigcawayan, North Cotabato, suspendido pa rin
Matapos ang naganap na pag-atake kahapon ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), wala pa ring pasok ngayong araw sa mga paaralan sa west district sa Pigcawayan, North Cotabato.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Police Supt. Joyce Birrey ng Public Information Office ng Cotabato PNP, kabilang sa mga walang pasok ngayon ang Malagakit Elementary School, at ang iba pang mga paaralan sa mga barangay ng Malagakit, Simsiman at Central Panatan.
Ayon kay Birrey, hangga’t walang deklasrayon ang Philippine Army na ligtas ang lugar ay hindi pa maaring bumalik ang mga estudyante sa naturang mga lugar.
Paliwanag ni Birrey, nakatanggap kasi sila ng ulat na nagtanim umano ng mga bomba sa paligid ang mga miyembro ng BIFF bago nagsitakas.
Sa kabila nito sinabi ni Birrey na kontrolado na ang sitwasyon sa lugar.
Samantala, nakilala na ang isang CAFGU na nasawi at ang dalawa pang nasugatan sa pag-atake ng BIFF.
Ayon kay Capt. Arvin Encinas, tagapagsalita ng 6th Infantry Division, ang nasawi ay si Abraham Isaac Cutay habang sugatan naman ang dalawa pang CAFGU na sina Anghel Verona at Resty Segundera.
nabatid na mag ga graduate pa lang sana ang napatay na si cutay bilang cafgu active auxiliary sa june 27.
Sinabi naman ni Birrey na hindi naka duty kahapon si Cutay nang naganap ang pag-atake.
Pero nakilala umano siya ng mga miyembrbo ng BIFF bilang isang cafgu kung kaya hinabol at pinatay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.