Motorcycle rider, sugatan sa hit and run sa Payatas

Kuha ni Mark Gene Makalalad

Duguuan ang isang rider makaraang tumilapon nang mabiktima ng hit and run habang minamaneho ang kaniyang motorsiklo.

Nakikala ang biktima na si Leo Amisola, 32 anyos at patungo sana sa trabaho nang mangyari ang insidente.

Ayon kay Florencio Cariaga, traffic enforcer ng Baranggay Payatas, nabangga ng pampasaherong jeep ang rider nang biglang mag-counter flow ang jeep.

Mabilis din umano ang pagmamaneho ng driver ng jeep.

Naganap ang aksidente alas 6:20 ng umaga ng Huwebes.

May plakang BVN 813 ang motorsiklo ni Amisola.

Habang ang driver ng jeep ay mabilis na tumakas sa halip na huminto.

Isinugod naman sa East Avenue Medical Center ang biktima para malapatan ng lunas.

Read more...