Motorcycle rider, sugatan sa hit and run sa Payatas
Duguuan ang isang rider makaraang tumilapon nang mabiktima ng hit and run habang minamaneho ang kaniyang motorsiklo.
Nakikala ang biktima na si Leo Amisola, 32 anyos at patungo sana sa trabaho nang mangyari ang insidente.
Ayon kay Florencio Cariaga, traffic enforcer ng Baranggay Payatas, nabangga ng pampasaherong jeep ang rider nang biglang mag-counter flow ang jeep.
Mabilis din umano ang pagmamaneho ng driver ng jeep.
Naganap ang aksidente alas 6:20 ng umaga ng Huwebes.
May plakang BVN 813 ang motorsiklo ni Amisola.
Habang ang driver ng jeep ay mabilis na tumakas sa halip na huminto.
Isinugod naman sa East Avenue Medical Center ang biktima para malapatan ng lunas.
Nakikala ang biktima na si leo Amisola,32years old at papunta ng trabaho nang nangyari ang insidente sa Payatas Road pic.twitter.com/IUg0oHeOFu
— Mark Makalalad (@MMakalaladINQ) June 21, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.